What Will Heaven Be Like

Aralin 29

Noong si Marco Polo ay bumalik sa kanyang bayan sa Venus, Italy matapos na gumugol ng maraming taon sa paglalakbay sa silangan,
naisip ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan na ang kanyang mahabang taon ng paglalakbay ay hinimok syang maging baliw dahil sa mga kwentong kanyang sinabi. 
Siya ay nakarating sa India , sa lahat ng lugar sa  Tsina , at maging sa Indonesia. At nang bumalik siya sa kaniyang  bayan ng Venus , sa Italya noong 1295 A.D, sinabi niya ang

kanyang pag bisita sa bayang  puno ng pilak at ginto. Sinabi niya ang tungkol sa mga itim na bato na nasusunog. Ngunit wala pang tao noon sa Venus, Italya ang nakarinig ng karbon o uling. Sinabi nya ang tungkol sa isang tela na hindi na susunog kahit ito'y itapon sa apoy. Ngunit wala pang tao noon sa Venus, Italya ang nakarinig ng asbestos. Sinabi niya ang tungkol sa malaking ahas na sampong metro ang haba na may mga panga na sapat na lumunok ng isang tao. Sinabi niya ang tungkol sa mga mani na kasing laki ng ulo ng tao at ang laman ay kasing puti ng gatas. Sinabi niya ang isang sangkap na lumalabas mula sa ilalim ng lupa na talagang nakakapag pa ilaw ng lampara. Ngunit wala pang tao noon sa Venus, Italya ang nakarinig ng mga buwaya, o buko o langis ng krudo. Naisip nila na nagsasabi lang siya ng mga katha.

Pagkalipas ng maraming taon, nang si Marko ay nakaratay sa banig ng kamatayan, isang tapat na tao ang dumating at hinikayat siyang bawiin ang lahat ng mga katha na sinabi niya. Bawiin? sagot ni Marco. Hindi kailanman, totoo ang lahat, at hindi ko pa nasabi ang kalahati ng nakita ko. Tila, mga kaibigan, na ang mga manunulat ng Bibliya na sumulat tungkol sa langit ay nagbigay-kahulugan sa mga salita ni Marko Polo.
"Hindi kailanman, totoo ang lahat, at hindi ko pa nasabi ang kalahati ng nakita ko. "
Totoo ba ang langit? Mayroon ba talagang umiiral? Mayroon bang isang dako mula roon sa sangkalawakan na walang kapintasan? Isang bayan na ginawa sa pamamagitan ng Dios , isang lugar kung saan walang pagdurusa, walang sakit, walang kamatayan, walang kasalanan; isang lugar na walang makasariling pag-ibig at sakdal sa kagandahan? O ang langit ba ay isang pantasya lamang, kathang isip tulad ng lahat ng iba pang mga kwentong kathang isip na sinabi sa atin? Isang kathang isip upang pasiglahin ang ating imahinasyon. Ating tuklasin sa Bibliya ang mga nakamamanghang katotohanan patungkol sa langit.